Nagpahayag ng pagtutol ang aktres na si Ryza Cenon sa usaping pagbababa ng edad ng pananagutan sa krimen.
Sa Instagram, nagpahayag ito ng pagtutol sa nasabing panukala na nakabinbin pa rin sa Senado.
Naniniwala aniya ang aktres na hindi ang “pagkulong sa kanila ang sagot para maturuan ang mga kabataan”, bagkus disiplina ang kailangan.
“Wag tayong maging hadlang sa mga pangarap ng mga batang ito. Kung ikukulong natin sila sa murang edad, paano na ang mga pangarap na yun,” pahayag ni Cenon.
Sinabi niya rin na mahaba ang panahon para magbago at matuto at giit niya, “Dumaan din tayo sa pagiging bata, maswerte tayong may magulang na nandyan para sa atin. Paano naman sila?”
“Maging malawak ang ating pang unawa sa mga katulad ng mga batang ito. Marami pang mangyayari sa kanila. Maraming pa magagandang opportunidad ang naghihintay para sa kanila,” pagtatapos ni Cenon.
Samantala, hinikayat naman ng United Nations’ Children’s Fund (Unicef) ang Kongreso na pagtibayin ang Republic Act (RA) 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act imbis na pababain ang edad ng criminal responsibility.