Sa Alaminos City, Pangasinan, konduktor ng bus at pintor nahulihan ng 45K na halaga ng iligal na droga

Timbog ang dalawang kalalakihan sa Sitio Bolo, Brgy. Telbang Alaminos City matapos mahulihan ng 45, 000 na halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang drug buy bust operation ng pulisya.

Kinilala ang mga suspek na si Andrew Veluz, 36 anyos at konduktor ng bus at ang Rolando Pacis, 47 anyos ay isang pintor.

Nakumpiska sa mga suspek ang apat na sachet ng hinihinalang shabu na may street value na 45, 000, buy bust money, drug paraphernalias gaya ng surgical scissors, butane gas burner, aluminum foil, plastic, at tooter.


Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.

Facebook Comments