“SA BOOSTER PINASLAKAS” CAMPAIGN NG DOH, INILUNSAD NA SA ISABELA

Pormal nang inilunsad sa buong lalawigan ng Isabela nitong Lunes, August 1, 2022 ang bagong programang ipinalabas ng Department of Health na “Sa Booster, PinasLakas”.
Kaisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa kampanya para sa mas pinalakas at mas accessible na COVID-19 booster vaccination sa lalawigan.
Ang programang sa Booster, PinasLakas ay naglalayong makapagbakuna ng booster shots kontra COVID-19 sa mahigit 23 million katao o 50% ng eligible population sa unang isang daang araw mula ng mailuklok ang bagong presidente ng bansa na si President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.

Layunin ng pagbabakuna ng booster shots na bigyan ng ibayong proteksyon mula sa pandemya ang mga mamamayan at patuloy pa rin ang paalala ng pamahalaan na ‘wag magpakampante at ugaliing sundin ang minimum health protocols dahil nariyan pa rin ang banta ng COVID-19.

Facebook Comments