Nagkaisa ang Department Of Health, Department Of Education at Department Of Social Welfare and Development upang masolusyunan ang paglubo ng bilang sa mga nagkakasakit ng tigdas sa Northern Mindanao.
Batid ni Dr. David mendoza , ito ay alinsunod sa inilabas na Department Circular no. 2019-0051 ng DOH central office sa pamamagitan ng vaccination campaign.
Sa pinakahuling datus ng DOH, umabot na sa 1, 055 ang bilang ng mga nagkasakit ng tigdas dito sa rehiyon mula buwan ng Enero hanggang a-kinse ng marso nitong taon.
Sa limang probinsya ng region-10, nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng tigdas ang Bukidnon na may 443 kung saan tatlo dito ang namatay, sinundan naman ito ng Cagayan De Oro na may 204 at anim dito ang namatay, Misamis Oriental na may 199 at isa ditto ang namatay, Lanao Del Norte na may 102, Misamis Occidental na may 74, Iligan City na may 30 at Camiguin na may tatlong kaso ng nagkasakit ng tigdas.