Sa Cebu – water ulitity, magrarasyon ng tubig sa iba’t ibang lugar sa lungsod

Dalawamput pitong mga water tanks ang inihahahanda ng Metro Cebu Water District o MCWD na magrarasyon ng tubig sa mga Barangay sa Cebu City na nakakaranas ng kakulangan ng suplay ng tubig.

Sinabi ng MCWD Board Chairman na si Atty. Jose Daluz,  makikipag-coordinate ito sa Lokal na Pamahalaan sa Lungsod ng Cebu para sa water rationing sa mga lugar na nakakaranas ng low pressure to no water lalo na ngayong panahon ng tag-init .

Sinabi pa ni Daluz na sa gitna ng patuloy na banta ng Coronavirus Disease o COVID-19,  importante ang may sapat na suplay ng tubig dahil kailangan ang palaging paghuhugas ng kamay at malinis ang katawan .


Bawat tangke ng tubig na idedeploy sa mga target na barangay ay may laman mula isang libo hanggang anim na libong litro ng tubig na ibibigay ng libre sa mga residente.

Facebook Comments