SA DAVAO DEL SUR, LALAKING DINALAW ANG KAIBIGAN SA KULUNGAN BUKING SA SHABU NA PINALAMAN SA TINAPAY

Hindi nagtagumpay ang isang lalaki sa plano nitong magpalusot ng iligal na droga sa loob ng kulungan sa Digos City, Davao del Sur

Sa report ng Digos City Police Station, kinilala ang suspek na isang John Paul Dosdos, residente ng Purok Kamansi Power, Barangay Tres de Mayo, Digos City.

Sa imbestigasyon, pasado ala 1 ng hapon, dinalaw ng suspek ang kanyang kaibigan sa Digos City Police Station dala-dala ang tinapay pero sa pag inspekyon ng jailer on duty na si PCpl Jan Rey Aguiling, nabuking nito na may palamang hinihilaang shabu ang tinapay na nagkakahalagang P7, 500.

Hindi na nakalusot ang lalaki at agad na kinustodiya ng kapulisan. Pero ayon sa suspek, inutusan lang umano siya na dalhin ang tinapay sa loob.

Napag alamang bago lang umano nahuli ang kapatid nito sa isang operasyon sa drug den sa nasabing probinsya.

Sa ngayon hinahanda na ng Digos City PNP ang kasong kakahrapin ng suspetsado na Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments