Sa Davao, magkapatid at barkada, patay sa pananaksak ng live-in partner

411

Selos ang tinutukoy na motibo sa pagpaslang ng magkapatid at isang barkada nito na nangyari dito sa Sunrise Village, Matina Crossing, Davao City bandang alas 5 ng umaga, July 17, 2019.

 

Sa report ng Talomo PNP, kinilala ang magkapatid na biktima na sina Jessa May Tecson Abitona, 25 anyos, Jesybell Tecson Abitona , 20 anyos at alyas James, 17 anyos na barkada ng magkapatid na parehong taga Manay, Davao Oriental samantala ang suspek ay ang live in partner ng biktimang si Jessa may na si Daryl pakna aguilar, 22 anyos.


 

Ayon sa mga saksing kapit-bahay, dumating umano ang suspek na lasing sa nasabing incident area at nakarining ng pag-aaway ng mag live in.

 

May tumawag pa umano ng tulong pero hindi napakinggan ng mga kapit bahay dahil sa away magpamilya ito.

 

Pero bandang alas 5 ng umaga nakatanggap umano ng mensahe ang caretaker ng tinitirhang boarding house ng mga biktima at suspek at doon umamin ang suspek na sinasak niya ang mga biktima gamit ang kitchen knife.

 

Dagdag sa report na sinubukan umanong magpakamatay ng suspek sa pamamagitan ng pagsaksak sa sarili pero agad itong na-rescue at nadala sa ospital.

 

Sa ngayon nasa punerarya na ang tatlong mga biktima at inihanda na rin ang kasong isasampa laban sa suspetsado.

Facebook Comments

From Advertisers