Babaeng may 50 na karayom sa loob ng katawan, viral

131
Photo courtesy of Kapuso Mo Jessica Soho on Facebook

Inakala ng pamilya ng isang menor de edad na babae na nakulam ang anak nito matapos malaman na mayroong 50 na karayom sa loob ng katawan nito.

Kinilala si Aurora, hindi tunay na pangalan, na nagkaroon ng malubhang nagkasakit at noong ipinatingin ay may nakitang 50 na karayom sa kaniyang katawan.


Nnag tanungin si Aurora ay wala siyang alam kung paano napunta ang mga ito sa kaniya. Nagtungo naman ang kaniyang pamilya sa ‘Babaylan’ na nagngangalang Independeciana Vergara, at sinabing isang manliligaw ang nasa likod nito.

Nainlove umano ang lalaki kay Aurora ngunit hindi siya gusto nito kaya nagtungo rin sa ‘mangkukulam’ upang i-black magic ito.

Matapos ding malaman sa X-ray ang mga karayom sa loob ng katawan ni Aurora, nakita rin umano ang mukha ng lalaking manliligaw nito.

Inamin naman ni Aurora na may pinasok nga siyang karayom sa katawan at mayroong panahon na sabay-sabay niya itong ginawa.

Facebook Comments

From Advertisers