Sa Dipolog City – pamimigay ng mga relief assistance, sisimulan na!

33

Sisimulan na ng Pamahalaang Lokal ng syudad ng Dipolog ang pagbibigay ng mga food packs sa mga apektadong residente sa syudad dahil sa ipinatupad na General Community Quarantine dahil na rin sa banta ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Ayon kay City Social Welfare and Development Officer Jovencia Orilla, handa na ang kanilang tanggapan para ipamigay ang mga food packs sa 21 mga barangay na sakop ng syudad na naglalaman ng 16 na mga food items para sa pangangailangan ng mga residente na apektado sa krisis.


Kahapon, naipamigay na sa 7 mga barangay sa Dipolog ang saku-sakong mga relief assistance para maipamigay na rin ang mga ito sa kanilang mga nasasakupan.

Asahan na tuloy-tuloy na ang pagbibigay ng mga food packs hanggang sa makompleto na ang 21 mga barangay sa syudad.

Facebook Comments