Misis ni Koko Pimentel, ipinasilip ang kanilang ‘miracle baby’

82475
Photos: Facebook/Kathryna Yu-Pimentel

Ipinakilala ng maybahay ni Sen. Koko Pimentel na si Kathryna ang bagong silang nilang anak nitong Huwebes.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Kathryna na nagpapasalamat siya sa ikalawang buhay matapos nilang malagpasan ni Baby Helena ang “miracle emergency C-section delivery” noong Marso 29.


“Thank you to all of those who helped us, sacrificed and risked themselves just to save my life and baby Helena… I will be forever grateful to all of you,” saad niya.

“We felt the genuine love, commitment and concern that no amount of money can buy… up to now I still cant believe that me and my miracle baby are alive,” dagdag niya.

Noong nakaraang linggo, naging kontrobersyal si Senador Pimentel, na positibo sa COVID-19, matapos samahan ang buntis na asawa kahit nagpapakita na ng sintomas noon pa lamang Marso 14.

Binatikos ng publiko, at ng Makati Medcal Center ang paglabag ng opisyal sa quarantine protocols.

Humingi naman ng paumanhin si Pimentel, ngunit nanindigang hindi niya intensyong sumuway at makapahamak ng ibang tao.




Facebook Comments