Sa gitna ng ECQ, prusisyon at street dancing itinuloy sa isang barangay sa Cebu City

CONTRIBUTED PHOTO

CEBU CITY – Kakasuhan ng Central Visayas Police ang mga nasa likod ng isinagawang prusisyon at street dancing sa Sitio Alumnos, Barangay Basak San Nicolas noong Sabado kahit umiiral ang enhanced community quarantine sa buong siyudad.

Sa isang ulat, sinabing kabilang ang naturang barangay sa mga isinailalim sa lockdown bunsod ng tumataas na kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Cebu City Mayor Edgar Labella, pinagpapaliwanag ng City Legal Office ang mga kawani ng Basak San Nicolas sa loob ng 24 oras.


“I have tasked Atty. Rey Gealon, our City Legal Chief, to investigate the holding of a fiesta celebration in Sitio Alumnos despite a directive strictly prohibiting mass gatherings,” pahayag ng akalde.

Dagdag ng opisyal, binigyan din ng awtoridad ng show cause order si Barangay Chairman Norman Navarro at kaniyang mga konseho.

Lumabas sa paunang imbestigasyon na ginanap ang malawakang pagtitipon bilang selebrasyon sa kapistahan ni St. John the Baptist at Sto. Niño.

Sabi ni Gaelon, hinayaan umano ng mga opisyal na magpatuloy ang pista at hindi raw nila ito tinutulan simula’t sampul.

“There was a caravan, a foot procession and ceremonial dancing… It is apparent from the occurrence that the barangay has been too complacent in implementing the clear mandate of the law and has been negligent in its duty,” saad ng city legal chief.

Mariin naman itinanggi ng barangay ang mga alegasyon.

“Captain Norman Navarro is unaware of this Sinulog dance during the Sitio Alumnos festival. He is against this activity,” ani Barangay San Nicolas sa wikang Cebuano.

Sa ilalim ng enhanced community quarantine, maigting na ipinagbabawal ang mass gathering kagaya ng religious activities para maiwasan ang paglaganap ng virus. Mahigpit din ipinatutupad ang pananatili sa loob ng bahay at pagsuspinde ng mass transportation.

Facebook Comments