Sa kabila ng nakikitang tatlong linggong pagbaba ng COVID-19 cases sa Quezon, pumalo na sa mahigit labingapat na libo ang nagka impeksyon sa lungsod.
Base sa pinakahuling datos ng QC Health Office, ang total validated cases ng QC Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices ay nasa 14,183.
Ito’y matapos na madagdagan pa ng 256 ang nagkasakit sa lungsod.
Mula sa naturang bilang, nasa 3,089 ang active COVID-19 cases.
May naidagdag na 153 sa bilang ng nakarekober na sa kabuuan ay 10,635 na ang gumaling.
Pito naman ang naidagdag sa bilang ng nasawi na sa kabuuan ay 459 na ang pumanaw.
Facebook Comments