Muling hindi magsasagawa ang pamunuan ng University of the Philippines (UP) ng College Admission Test (UPCAT) para sa mga nais mag-aral sa unibersidad para sa academic year 2023-2024.
Pahayag ito ni UP Office of Admissions director at data scientist na si Professor Francisco de Los Reyes kasunod ng patuloy na pagpapabuti ng UP sa kanilang admission system.
Dahil dito ay mananatili ang UP College Applications (UPCA) na isang score model para sa pag-assess ng mga student applicant.
Sa ilalim nito, pagbabatayan ang iyong final grades mula Grade 8 hanggang 11 upang malaman kung papasa ka sa unibersidad habang may karagdagang requirements naman para sa ibang partikular na degree programs.
Ito na ang ikatlong magkakasunod na taon na sinuspinde ang UPCAT para sa mga first-year applicants bunsod ng COVID-19 pandemic.