iFM Laoag – Usapusapan ngayon sa Bayan ng Sarrat sa lalawigan ng Ilocos Norte ang di umano’y paglalakad sa pagiging santo ng isang batang babae na matagal nang namatay.
Kinilala ang nasabing bata na gagawing santo na si Niña Ruiz-Abad 13 taong gulang pa lamang nang mamatay sa sakit na hypertrophic cardiomyopathy, isang sakit sa puso na walang lunas.
Kinilala ang nasabing bata na gagawing santo na si Niña Ruiz-Abad 13 taong gulang pa lamang nang mamatay sa sakit na hypertrophic cardiomyopathy, isang sakit sa puso na walang lunas.
Ayon sa kwento na isinalaysay ng pamilya sa Diocese ng Laoag, malakas daw umano ang kanyang debosyon sa Eukaristiya at inialay niya ang kanyang buhay sa pamamahagi ng mga rosaryo, bibliya, mga aklat ng panalangin, mga banal na imahen, at iba pang mga bagay sa hinggil sa relihiyon. Nagsusuot din daw ito nang rosaryo sa leeg at puting damit habang nabubuhay pa.
Ayun naman kay Bishop Renato Mayugba ng Laoag na sa murang edad, nagpakita daw si Abad ng mga pag-uugali at kilos na hindi karaniwan para sa kanyang edad.
Pangkaraniwan daw sa isang batang babae na nakakagawa na ng mga gawaing para mag-ebanghelyo sa ibang tao.
Pangkaraniwan daw sa isang batang babae na nakakagawa na ng mga gawaing para mag-ebanghelyo sa ibang tao.
Ayun naman kay Father Melchor Palomares, tagapagsalita ng Diocese of Laoag, ang proseso sa pagiging banal o santo ay karaniwang magsimula hanggang limang taon pagkatapos ng kamatayan ng isang tao. Si Niña ay tatlong dekada nang patay.
Sa ngayon, patuloy parin ang pormal na pagsisiyasat ng kanyang buhay at pagpapatotoo, na maaaring tumagal ng maraming taon bago ang isang posibleng desisyon mula sa Roma tungkol sa kanyang potensyal na beatification at canonization.
Sa kasalukuyan, wala pang nakikitang milagro na pinaparamdam ni Niña gaya na lamang ng mga ibang santo, ngunit, malakas ang loob ng pamilya na sa kanyang mga gawain habang nabubuhay pa ay isang hiwaga na maaring sundan patungo sa banal na pamumuhay sa mundong ibabaw. | via Bernard Ver
Facebook Comments