Sa kabila nang patuloy na paglobo ng COVID-19 cases sa bansa, mass testing hindi isasagawa ng pamahalaan

Nilinaw ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire na ni kailanman ay hindi isasagawa ang mass testing sa bansa, gaano man kadami ang aktibong kaso ng COVID-19.

Ayon kay Usec. Vergeire, maging ang mga eksperto ay nagsasabing hindi maituturing na rational strategy sa alinmang bansa ang mass testing.

Paliwanag nito kapag nag-mass testing kasi ngayon at bukas lumabas muli ang mga tao at nagkaroon ng exposure ay isasalang ulit sila sa testing na tila nakakasayang lamang ng resources.


Bagkus, ang estratehiyang ating isinasagawa ay risk-based approach kung saan kung sino lamang ang mayroong exposures at sintomas ay sila lamang ang isasalang sa testing.

Giit pa ni Dr. Vergeire na dahil limitado lamang ang resources ng bansa, bibigyang prayoridad ang mga healthcare worker, senior citizens at may comorbidities.

Kaya payo nito sa publiko lalo na ngayong napakaraming mayroong trangkaso, mag-isolate muna o ihiwalay ang sarili sa ibang tao upang hindi na makapanghawa pa ng iba at makaraan ang ilang araw kapag may sintomas pa rin ay saka na sumailalim sa testing.

Facebook Comments