Isa pang balikbayan na tumangging mag-quarantine sa hotel, kinasuhan na rin ng PNP-CIDG

1811

Naghain na rin ng reklamo ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Taguig Prosecutors Office laban sa isa pang balikbayan na hindi sumailalim sa mandatory quarantine.

Kinilala ang returning overseas Filipino (ROF) na si Maria Bernalyn Muñoz.

Si Muñoz na residente ng Bonifacio Global City, Taguig ang tinukoy ni Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat na tumangging sumama sa mga staff ng quarantine hotel sa Makati at sa halip dumiretso sa kanyang condominium nang dumating sa bansa noong December 22 mula Estados Unidos.


Nabatid na nag-post pa ng mga larawan ang balikbayan na tinaguriang ‘Massage Girl’ kung saan ipinagmamalaki pa nito ang kanyang ginawa at nagpatawag pa ng masahista.

Una na ring kinasuhan ng PNP-CIDG ang tinaguriang Poblacion Girl na si Gwyneth Chua.

Facebook Comments