MANILA – Walang balak si Davao City Rodrigo Duterte nabaguhin ang istilo ng kanyang pananalita at pagbibiro.Ito’y matapos siyang kondenahin ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) at ibang katunggali sa pulitika.Sa kabila nito, nanindigan si Duterte na hindi siya hihingi ng paumanhin sa kanyang sinabi nang nagsagawa ito ng campaign rally sa Quezon City noong April 12.Paglilinaw ni Duterte ang inihingi niya ng “sorry” ay yung nangyaring hostage taking at ang pagkamatay ng mga bihag noong 1989.Matatandaang kasing isang grupo ng mga inmate ang nambihag ng mga misyonerong nagsasagawa noon ng bible study sa loob ng Davao Metropolitan District Command.Maliban sa ginahasa at pinatay ng mga preso noon si Jacqueline Hamill ay ginawa ring human shield ng mga ito ang iba pang mga misyonero.Nangyari ito noong unang termino ni Duterte sa pagka-mayor ng Davao.
Sa Kabila Ng Batikos, Davao City Mayor Duterte, Nanindigang Hindi Babaguhin Ang Istilo Ng Pananalita
Facebook Comments