Hindi pa rin 100% na tapos ang pamamahagi na ayuda para sa mga naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.
Ito ay kahit nagtapos na kahapon (August 31) ang ibinigay ng deadline ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga Local Government Unit (LGU) para sa pamamahagi ng ayuda.
Batay sa tala ng DILG, nasa 95% pa lamang na tapos ang pamamahagi ng ayuda sa Metro Manila pero may ilang mga residente ang hindi sumipot sa nakatakdang schedule.
Dahil dito, sinabi ng DILG na mas mabuting na ipamigay na lamang ang mga hindi nakuhang ayuda sa mga umaapela sa grievance committee.
Facebook Comments