Sa kabila ng government shutdown, nakatakdang State of Union Address ni US President Donald Trump, hindi kakanselahin

Tuloy ang nakatakdang State of Union Address ni US President Donald Trump.

Ito ay kahit na ipinaggigiitan ni House Speaker Nancy Pelosi na dapat itong ikansela dahil hindi pa natatapos ang temporary government shutdown.

Ayon sa White House, handa na ang talumpati ni Trump sa darating na Enero 29 sa capitol.


Nauna rito sinulatan ni Speaker Pelosi si Trump na kung maari ay ikansela ang nakatakdang State of Union Address nito hangga’t hindi pa nalulutas ang government shutdown na nasa ika-34 na araw.

Facebook Comments