Sa kabila ng mababang efficacy rate sa South African variant, paggamit ng AstraZeneca vaccines sa Pilipinas tuloy pa rin

Tuloy pa rin ang paggamit ng bakuna kontra COVID-19 na AstraZeneca sa Pilipinas ngayong unang quarter ng 2021.

Ito’y sa kabila ng umano’y resulta na hindi magandang panlaban ang bakuna sa variant ng COVID-19 mula Africa at lumabas na mababa rin ang naging efficacy rate nito kaya hindi na itinuloy ang clinical trial doon.

Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, walang epekto sa Pilipinas ang naging clinical trial sa Africa ng bakuna, dahil hindi pa nakikita sa bansa ang variant na natagpuan sa mga ito.


Samantala kasabay nito, sinabi ni Domingo na dalawa pang COVID-19 vaccine frontrunners ang posibleng mag-apply ng Emergency Use Authorization (EUA) sa Pilipinas.

Kinabibilangan ito ng pharmaceutical company na Moderna at Novavax na galing naman sa Serum Institute of India.

Sa ngayon, maliban sa mga bakunang ito iginiit ni Domingo na nagpapatuloy pa rin ang evaluation ng FDA sa bakuna ng Sinovac at Gamaleya dahil hindi pa naisusumite ang mga dokumento kaugnay sa pag-a-apply ng mga ito ng EUA.

Facebook Comments