Neri Naig, nagpaabot ng sweet message sa asawang si Chito Miranda para sa ika-45th birthday nito

72

‘Habang buhay kitang mamahalin at aalagaan’

Iyan ang sweet message ng aktres na si Neri Naig sa kaniyang asawa na si Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda na ipinagdiwang ang ika-45th birthday nitong linggo.


Laman din sa sweet message ang pasasalamat ng aktres sa kaniyang asawa dahil sa patuloy nitong pag-aalaga at suporta sa kaniya.

Nagpahayag naman ng kilig at kasiyahan si Chito sa sweet message ni Neri at pinasalamatan din ang asawa dahil sa walang humpay nitong pag-intindi sa kaniya.

Si Chito at Neri ay ikinasal noong 2014 kung saan nagbunga ito ng isang baby boy na si Miguel Alfonso na edad 4 na ngayon.

Facebook Comments