Sa Kabila Ng Mga Akusasyon Laban Sa Kanya… Senador Leila De Lima – Nakuha Pa Ring Patawarin Si Kerwin Espinosa

3

MANILA – Hindi na nagtanong si Senator Leila De Lima sa pagharap ni Kerwin Espinosa sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado.Naniniwala kasi ang Senadora, na wala na ring saysay kung magtatanong pa siya Kerwin.Sa garalgal nitong boses, muling nanindigan si De Lima na hindi niya kilala si Kerwin at hindi niya matandaan na nagkita sila nito.Mariin din nitong itinanggi na tumatanggap siya ng pera mula kay Kerwin para sa kanyang kampanya.Ayon pa kay De Lima, alam ni Kerwin ang totoo dahil pawang kasinungalingan lamang ang lahat ng akusasyon sa kanya.Sa huli, sinabi ng Senadora, na pinapatawad niya si Kerwin sa lahat ng kasalanan at kasinungalingan nito laban sa kanya.

Facebook Comments