Sa kabila ng mga panawagang pag-abolish sa CHR, chairman Chito Gascon – nanindigang hindi magbibitiw sa pwesto

Manila, Philippines – Sa kabila ng kaliwa’t kanang batikos sa kanya ng mga kaalyado ng administrasyong Duterte hindi magbibitiw si Commission on Human Rights Chairman Chito Gascon.

Ayon kay Gascon, mayroon siyang mandato sa saligang batas na kailanman ay hindi niya aabandonahin.

Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na gusto na niyang ipa-abolish ang CHR dahil sa pagkampi nito sa mga kriminal at mga kalaban ng estado.


Muling rin inulit ni Gascon na hindi sila biased sa mga kritiko ng pamahalaan bagkus ay ginagawa lamang nila ang kanilang tungkulin sa ilalim ng batas.

Facebook Comments