Emergency work program para sa mga Marawi evacuees, sinimulan na ng Dept. of Labor and Employment

Manila, Philippines – Inumpisahan nang salain ng Department of Labor and Employment ng mga beneficiaries sa kanilang emergency work program para sa mga evacuees mula Marawi City.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello, kabilang dito ang mga Internally Displaced Persons (IDPS) mula Marawi para bigyan ng pansamantalang pagkakakitaan.

Namahagi rin ang DOLE ng cash assistance sa pamilya ng mga OFWs na nasa Lanao area na apektado ng kaguluhan.


Hindi pa naman nasabi ni Bello kung anong mga trabaho ang ibibigay sa mga kuwalipikadong beneficiaries na evacuees.

Facebook Comments