Sa kabila ng mga ulat na red-tagging, nagsulputang community pantry sa buong bansa nasa higit 350 na

Sa kabila ng mga ulat na red-tagging ay nasa higit 350 na ngayon ang nagsulputang community pantry sa buong bansa.

Kabilang dito ang community pantry na nasa Aparri sa Cagayan Province, Zamboanga City, Davao City, El Nido, Palawan at Boracay Island.

Kasunod nito, sinabi naman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na ang mga itinayong community pantries ay patunay na mayroon tayong “bayanihan spirit”.


Hinikayat din ni CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles ang bawat parokya at religious communities na magsagawa ng mga ganitong inisyatibo.

Samantala, ilang RMN stations na rin ang nagtayo ng community pantry na layong makatulong hindi lamang sa mga tagapakinig kundi sa mga nangangailangan.

Facebook Comments