Inihayag ng Malakanyang na desisyon na ng National Bureau of Investigation (NBI) at Food and Drug Administration (FDA) kung itutuloy pa ang gagawing imbestigasyon sa pagbabakuna ng mga tauhan ng Presidential Security Group (PSG) ng hindi rehistradong gamot kontra COVID-19.
Kasunod ito ng pasya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na itigil na ang kanilang pag-iimbestiga matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PSG na huwag pumunta at tumestigo sa anumang gagawing imbestigasyon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, may hiwalay na imbestigasyon ang NBI at FDA sa isyu.
Habang may karapatan din ang mga ito na alamin ang katotohanan dahil hangga’t may concern sila sa pangyayari ay maaaring magsagawa ng imbestigasyon.
Sa ngayon, tiniyak ng NBI na patuloy ang kanilang gagawing imbestigasyon sa iligal na pagpapabakuna na papangunahan ni Atty. Emeterio Dongallo Jr. ng Special Action Unit (SAU).