Sa Misamis Oriental, warden ng provincial jail, nagbigay na ng report ukol sa isang bilanggo na pinasayaw na nakahubad habang kinuhunan ng video

Nagbigay na ng report si Jail Warden Dominador Tagarda sa provincial investigator may kinalaman sa isang bilanggo ng Misamis Oriental Provincial Jail na pinasayaw na nakahubad sa loob ng kanyang selda habang kinukuhanan ng video ng kanyang mga kasamang preso.

Ayon kay Tagarda, naka-bartolina na ang tatlong inmates na siyang kumukuha ng video sa kanilang kasama at nabawian na rin ng mga cellphone.

Dahil sa nangyari, ipinatawag ni Tagarda ang magulang ng bilanggo na pinasayaw upang mabigyan ng tulong.


Ayun kay Tagarda, hindi nila tino-tolerate sa loob ng pasilidad ang ganoong pangyayari dahil sampal umano ito sa kanilang pamunoan.

Samantala, ikinalungkot naman si Misamis Oriental Governor Bambi Emano ang nag viral na video ng pinasayaw na preso.

Ayun sa gobernador, kahit ganito ang palisiya ng mga mayor sa loob ng selda, hindi pa rin maganda ang dulot nito sa mga biktima ng pambu-bully.

Kasabay nito, gusto ng opisyal na mabigyan ng hustisya ang ginawa ng tatlong inmates sa loob ng selda.

Facebook Comments