Sa Maguindanao, tatlong suspected notorious carnapper, arestado

Arestado ang tatlong notorious carnapper sa bayan ng Sultan Kudarat Maguindanao. Kinilala ang mga naarestong mga suspect na sina Jomar Utto Ayon, 25 anyos   walang trabaho at residente ng Brgy. Ungap, Sultan Kudarat, Maguindanao, Mohamad Gonsalez Yusop, 22 anyos  binata at residente ng Brgy. Kadingilan, libungan, North Cotabato at Lucman Cortez Buat, 23 anyos , at residente ng Brgy. Gang, Sultan Kudarat.

 

Sa report mula sa Sultan Kudarat MPS, isang reklamo ang kanilang natanggap  mula sa nagpakilalang biktima na si Casmin Mamadra Madam, 22 anyos driver at residente ng Brgy. Pinaring Sultan Kudarat. Ninakaw aniya ang kanyang bajaj motorcycle at namataan sa bahagi ng Brgy. Ungap.

 

Sa ginawang pagresponde ng mga kapulisan ay naging positibo ang report resulta ng pagkakaresto ng mga suspects. Narekober ang motorsiklo sa tahanan ng suspect na si Buat.


Facebook Comments