Sa nalalapit na SONA, Pangulong Duterte, patutunayang “life goes on” sa kabila ng banta ng COVID-19

Sa kabila ng isa sa mga itinuturing na vulnerable sector dahil sa kanyang edad, hindi magpapatinag si Pangulong Rodrigo Duterte at personal pa rin itong pupunta sa Batasang Pambansa sa Lunes, July 27, 2020 para sa kanyang ika-limang State of the Nation Address (SONA).

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, isa itong masidhing mensahe mula sa Pangulo na tuloy ang buhay sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Aminado si Roque na nag-aalala sila sa kalusugan ng Pangulo ngunit kasama ang SONA sa kanyang mga sinumpaang tungkulin.


Sa nalalapit na SONA ng Pangulo, todo higpit ang gagawing pagbabantay ng Presidential Security Group (PSG) upang matiyak na walang makakalapit sa Pangulo na posibleng carrier ng virus.

Inaasahang 50 mga mambabatas at 15 gabinete lamang ang papayagang makapasok sa Batasang Pambansa kung saan kinakailangang sumailalim muna ang mga ito sa PCR test bago pahintulutang makapasok sa Kongreso ng PSG.

Facebook Comments