Sa North Cotabato, ayuda sa mga ofw na uuwi mula sa Middle East, tiniyak ng provincial government

Nakahanda narin ang lalawigan ng North Cotabato sakaling dumagsa pauwi ang mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) na nagta-trabaho sa Middle East, kasunod ng kautusan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na force repatriation sa mga Overseas Filipino Workers na magtrabaho sa bansang Iran at Iraq.

 

Sinabi ni North Cotabato Governor Nancy Catamco, na magbibigay ng tulong ang provincial government para sa mga OFW’s na nagnanais nang umuwi sa Pilipinas, partikular sa lalawigan.

 

Ayon kay Catamco, gagawin niya ang lahat na makakaya upang makapagbigay ng ayuda sa sinumang mga taga Cotabato na nais nang umuwi dahil sa panganib na dala ng lumalalang tensiyon sa Middle East.


 

Ang kailangan lang anya nilang gawin ay makipag ugnayan sa kanilang mga pamilya na sila namang makikipag ugnayan sa probinsiya para sa agarang tulong na maipabot sa kanila.

Facebook Comments