Total lockdown, ipinatutupad na sa Talisay, Batangas; Checkpoint, itinayo para mangharang ng mga residenteng bumabalik sa kanilang mga bahay

222

Isinailalim na sa total lock down ang Talisay, Batangas dahil sa patuloy na pag-aalburuto ng bulkang taal.

 

Ayon kay Talisay Mayor Gerry Natanauan, epektibo kaninang tanghali ay pinagbawalan na ang mga residenteng makapasok sa kanilang lugar.


 

Aniya, dapat umalis na ng Talisay ang mga residente at pumunta sa mas ligtas na lugar o sa mga evacuation center.

 

Sinabi naman ni Batangas Municipal Police Station Chief Police Captain Aldrin Baesa na pwersahan na nilang pinaaalis ang mga residente para mabawasan ang bilang ng mga irerescue sakaling mas lumala ang sitwasyon doon,

 

Samantala, nagtayo na ang mga pulis at sundalo ng mga checkpoint sa Lemery-Agoncillo road sa Batangas para hindi na bumalik sa kanilang mga bahay ang mga lumikas na residente.

Facebook Comments