Sa Oras ng Kalamidad!

Baguio, Philippines – Hiniling ni Baguio City Councilor Edgar Avila sa mga telecommunication companies na mag labas ng mga libreng abiso para sa kanilang mga subscribers sa panahon ng tag ulan.

Panawagan ng konsehal sa mga malalaking telecommunication networks gaya ng Globe, Smart, PLDT at Sun Cellular na dapat ay madalas ang pag-uupdate nila sa kanilang mga subscribers ng weather update, road conditions at iba pang paalala through SMS o text messaging tuwing tag-ulan o sa panahon ng kalamidad.

Dahil din umano sa karamihan ng mga residente ng Cordillera Administrative Region ay gumagamit ng cellphone kaya malaking tulong ang libreng mobile alerts mula sa mga telco companies.


Ang emergency SMS broadcast ay pagtugon na rin ng mga telecommunication networks sa Republic Act 10639 o Free Mobile Disaster Alerts Act na nag-uutos sa kanila na mag send ng libreng mobile alerts.

Facebook Comments