Sa pagpili ng COVID-19 vaccine, hindi pwede ang “pwede na”

85

Iginiit ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa gobyerno na tiyaking “the best,” pinakaligtas at pinakamabisa ang makukuhang bakuna laban sa COVID-19 at hindi pwede ang “pwede na.”

Ayon kay Pangilinan, makakatulong din ito para mapawi ang agam-agam ng publiko sa pagpapabakuna.


Binnggit ni Pangilinan na maganda ang hangarin ng China na magbigay ng 500 thousand doses ng kanilang bakuna laban sa COVID-19 bilang donasyon sa Pilipinas.

Pero diin ni Pangilinan, dapat ay science, data at resulta ng clinical trials ang dapat batayan at hindi “political goodwill” dahil sa relasyon ng Pilipinas sa China.

Facebook Comments