Sa pagsaludo ni Radyoman sa mga Bayani ng Bayan ni Juan, Presidente ng Onicare Pharma Trading, sinaluduhan

Sa kabila ng nararanasang hirap at pagsubok ng mga Pilipino ngayong laban kontra COVID-19 pandemic, may ilan pa din na pinipiling i-sakripisyo ang kanilang kaligtasan para makatulong sa mas lubos na nangangailangan.

Isa na dito si Reden Llaga, Presidente ng Onicare Pharma Trading, na walang humpay sa pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng virus sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga relief goods.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Mr. Llaga na ibinabalik lang niya ang utang na loob at pasasalamat sa lahat ng taong tumulong sa kanila noong panahong sila ang naghihirap.


Una na ding tumulong ang grupo ni Mr. Llaga sa mga naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal na nananatili sa mga evacuation center sa Batangas.

Kaya sinasaluduhan ka namin Mr. Llaga kasama ang lahat ng Radyoman dahil ikaw ay Bayani ng Bayan ni Juan.

Facebook Comments