Langis na bumuhos mula sa isang Power Plant sa Russia, umabot na sa Arctic Lake

Umabot na sa Freshwater Lake ng Russian Arctic ang pagkalat ng nabuhos na langis mula sa power plant na Norilsk Nickel sa Russia.

Ayon kay Krasnoyarsk Region Governor Alexander Uss, may haba ang ilog na 70 kilometro o 45 milya kung saan kumalat ang tinatayang 21,000 tonelada ng langis.

Apektado na rin ang kalupaan at mga maliliit na ilog sa lugar, kaya nangangailangan ito ng malaking pwersa ng paglilinis.


Una nang nagdeklara ng State of Emergency nitong nakaraang linggo si Russian President Vladimir Putin para palikasin ang mga mamamayang malapit sa lugar.

Facebook Comments