Sa Pangasinan, Delivery Boy pinagbabaril ng riding in tandem, patay

Patay ang isang delivery boy ng mineral water matapos itong pagbabarilin ng riding in tandem sa brgy. Asin Malasiqui Pangasinan.
Tama ng baril sa ulo ang natamo ng biktima na kinilalang si Christopher Sapera, 40 anyos.
Galing sa delivery ang biktima ng pagbabarilin ito sa harap ng water refilling station.
Binaril umano ito ng malapitan at hindi pa nakuntento pinagbabaril hanggang sa papalayo ang suspek.
Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang basyo ng bala ng caliber 9mm.
Nagsagawa na ng manhunt operation ang otoridad laban sa suspek at kasalukuyang inaalam ang motibo ng pamamaril sa biktima.

Facebook Comments