Sa Pangasinan, lalaking maliligo lang sana sa irigasyon nalunod

Patay ang isang 20 anyos na lalaki matapos itong maligo sa irigasyon sa Laoac Pangasinan.
Ayon sa PNP Laoac, nagkaayan sa Sitio Paitan D’ Alarcio ang biktimang si Christian Casipit kabilang ang dalawang kaibigan nito. R
Nauna umanong tumalon sa irisgasyon ang kaibigan nitong nag ngangalang ‘Reymart’ at sinabing huwag ng sumunod na tumalon dahil malalim ang tubig.
Hindi umano nagpapigil ang biktima at tumalon.
Sinubukan itong isalba ng kaniyang mga kaibigan ngunit hindi ito kinaya at inanod na ang biktima.
Inabot ng isang oras bago marekober ang katawan nito at itibakbo sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Facebook Comments