Tumaas ng 97% ang bilang ng mga kaso ng acute gastroenteritis sa Pangasinan ngayong taon.
Ayon sa Provincial Health Office ng lalawigan, mayroon ng 2, 170 na kaso ng acute gastroenteritis mula Enero 1 hanggang May 15.
Labing tatlo ang naitalang namatay.
Tumaas umano ito ng 97% na kaso ngayong taon.
Sa parehong panahon noong 2021 nasa 1, 104 lamang ang kaso ang tinamaan ng sakit.
Kadalasang tinatamaan ayon sa opisyal ang mga batang edad isa hanggang apat.
Ayon sa awtoridad upang makaiwas sa nasabing sakit mainam na pakuluan ang inuming tubig at ugaliin ang palagiang paghuhugas ng kamay at tiyaking malinis at maayos ang paghahanda ng pagkain.
Samantala, maliban sa gastroenteritis binabantayan din ng ahensya ang iba pang sakit na maaaring makuha ngayong tag-ulan gaya ng dengue, waterborne disease at leptospirosis. | ifmnews