144 PWDs AT 38 SOLO PARENTS SA MANGALDAN, NABIGYAN NG TULONG PINANSYAL

26

Nabigyan ng tulong pinansyal ang 144 Persons with Disabilities (PWDs) at 38 solo parents sa bayan ng Mangaldan.

Pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang pamamahagi ng tig-limang daang pisong financial assistance para sa mga ito sa Landas Covered Court at Inlambo Barangay Hall.

Ang mga nasabing indibidwal umano ang labis na naapektuhan ng pandemya dulot ng COVID-19.

Ayon sa MSWDO, pagpapatuloy ito ng naunang pamamahagi ng mga tulong pinansyal sa mga PWDs at solo parents noong Disyembre ng nakaraang taon. | ifmnews

Facebook Comments