Apat na babaeng kongresista na tinatawag na “The Squad”, muling nanalo sa kani-kanilang distrito sa Amerika

349

Muling nanalo sa kani-kanilang distrito ang apat na babaeng kongresista na tinatawag na “The Squad” sa nagaganap na 2020 US Elections.

Ang apat na kongresista ay pawang mga miyembro ng Democratic Party na naging vocal sa mga maling desisyon ni US President Donald Trump.


Nabatid na tinalo ni Alexandria Ocasio-Cortez sa pagka-kongresista sa District 14 sa New York si John Cummings ng Republican at Michelle Caruso-Cabrera ng Serve America Movement party.

Nanalo rin sa District 5 sa Minnesota si Iihan Omar kontra kay Lacy Johnson ng Republican gayundin si Rashida Tiaid laban kay David Dudenhofer ng Republican sa District 13 sa Michigan habang tinalo ni Ayanna Pressley sa pagka-kongresista sa District 7 sa Massachusetts ang independent candidate na si Roy Owens.

Facebook Comments