SA WAKAS! | Trillanes, uuwi na ngayong araw

Manila, Philippines – Walang magaganap na pag-aresto kay Senator Antonio Trillanes IV hanggang sa Oktubre 5 matapos hindi maglabas ang Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 148 ng resolusyon sa hirit ng Department of Justice (DOJ) ng Hold Departure Order (HDO) at warrant of arrest laban sa senador.

Sa ulat, nakatanggap ng order ang kampo ni Trillanes na nagse-set ng panibagong hearing sa Makati City RTC Branch 148 kaya wala silang inilabas na resolusyon sa kaso.

Ang kasong kudeta ni Trillanes ay binubuhay sa Makati City RTC Branch 148 sa pamamagitan ng Proclamation No. 572 na nagbo-void sa amnesty ng senador.


Sa order ng korte, sinabi ni Judge Andres Soriano isasagawa ang hearing para madinig ang bawat panig para mapakinggan ang bawat ebidensya at didinggin kung may basehan na buksan muli ang kaso.

Sasamantalahin naman muna ni Senator Antonio Trillanes IV ang weekend para makasama ang pamilya sa kaniyang pag-uwi ng bahay kung saan itinuturing niyang tagumpay ang pagtatakda ng korte ng pagdinig sa Oktubre 5, 2018, bago pagpasyahan ang usapin na dati nang nabasura.

Nagpasalamat naman si Trillanes sa mga tagasuportang hindi bumitiw sa buong panahon na nanatili siya sa Senado.

Facebook Comments