Sa Zamboanga, 2 milyong pisong halaga ng mga taniman, nasira dahil sa tagtuyot

Dahil  sa  patuloy  na  nakakaranas  ng   tagtuyot  dito sa  lungsod  ng  Zamboanga  , umaabot na  sa   dalawang  milyong pisong halaga  ng mga taniman  ang nasira  sa  pitong mga  barangay.

 

Sinabi ni City Agriculturist  Menchie   Sanchez, sobrang apektado  na  ang mga  farmers   dahil  sa  el niño phenomenon.

 

Kahit  ang mga  tanim  na  mais nasira  na rin sa  barangay  Lamisahan   , Vitali at Sibulao   , at kahit  ang mga  vegetable  farmers.


 

Naglaan  na rin umano ng tatlong milyong piso  upang bumili ng native  crops    na  ipamimigay  sa mga farmers  sa mga  apektadong  barangay

 

Ayon  kay Sanchez   bibili  na rin sila ng mga drought  resistant palay, na hindi na kinakailangan  ng maraming tubig dahil tutubo  umano  ito  at  magandang klase.

 

Matatandaan   ang Zamboanga isinailalim    sa  State of  Calamity  dahil sa  tagtuyot.

Facebook Comments