Lipa City PESO, napasok na ng Radyo Trabaho team. Mainit na pagtanggap at pasasalamat, sumalubong

36

Mainit na pagtanggap ang isinalubong ni Lipa City PESO Manager John Toledo, kasama ang kanyang dadalawang staff pati na rin ng buong community affairs office ng Lipa City LGU sa Radyo Trabaho team kanina.

 

Mabunga ang naging usapan ng dalawang grupo lalo na sa pagdating sa usapin ng trabaho at pagpaparating ng mga impormasyong ito sa mga mamamayan ng Lipa.

 

Ayon kay Manager Toledo, malaking tulong ang hatid ng Radyo Trabaho team  sa kanyang tanggapan lalo pa’t ang city peso ng Lipa ay nananatiling bahagi pa ng isang malaking tanggapan.

 

Dalangin nila na dina magtagal, magkaroon na sila ng kanilang sariling opisina, bagay na umuusad na umano ang kanilang request for instutionalization ng city peso.

 

Samantala, nangako naman ang Radyo Trabaho team na gagawin nito ang lahat upang mas mapalawak pa ang paghahatid ng mga job opportunities para sa mga Lipeños kung saan, maraming mga vacancies ang dumarating sa kanilang tanggapan dahil sa iba’t ibang industriyang maari nilang pasukan.

 

Para sa mga nais magkatrabaho, tumutok lamang sa Radyo Trabaho ng DZXL 558 o kaya ay magpadala lamang ng inyong aplikasyon sa email address na radyotrabaho@gmail.com o kaya ay tumawag sa aming hotline, 882-2370 o mag text sa RT hotline 09673729017.

Facebook Comments