Pinaghahandaan na rin ng local government ng Zamboanga City at Zamboanga City Water District ang pagsasagawa ng cloud seeding bilang pro-active measures, kasunod ang epekto ng El Niño phenomenon.
Sinabi ni City Disaster Risk Reduction Management Office Chief Dr. Elmier Apolinario, nakipagkita na rin siya sa hepe ng Department of Agriculture Bureau of Soild and Water Management upang pag usapan ang epekto ng weak El Niño, at nagsagawa na rin ng assessment evaluation ang kanilang team upang paghandaan ang cloud seeding sa lungsod ng sa gayon magbibigay ito ng pag-ulan dahil patuloy bumababa ang tubig sa water intake.
Nagpapatupad ng water rationing ang Zamboanga City Water District dahil dito, at may pitong barangay ang apektado dahil nasira ang kanilang pananim na umaabot sa dalawang milyong piso.
Dahil sa declaration ng state of calamity sa Zamboanga noong nakaraang mga araw ang DOE nagpalabas rin ng price freeze advisory para sa 11kg ng LPG at kerosene simula noong a-cinco ng Marso.