SABAH INCURSION | Parusang kamatayan sa 9 na Pinoy, pinagtibay ng korte sa Malaysia

Borneo – Pinagtibay ng Malaysian court ang hatol na kamatayan sa 9 na Pinoy sangkot sa iligal na panghihimasok sa Lahad Datu sa Borneo noong 2013 at sa pagtatangka ng mga itong sakupin ang naturang isla.

Ayon sa desisyon ng 5-member federal court, binigyan diin nito na makatwiran ang naunang desisyon ng mababang hukuman nang hilingin nitong itaas sa death penalty mula sa orihinal na habambuhay na pagkabilanggo ang parusa sa mga naarestong Pinoy.

Bukod sa siyam na naarestong Pinoy, pinagtibay rin ng korte ang desisyon na palayain ang labing-apat pang mga naaresto kaugnay sa Lahad Datu incident.


Matatandaang 27 indibidwal ang namatay sa operasyon na inilunsad ng Malaysia upang mapatalsik ang mga armadong kalalakihan sa Sabah na tumagal ng mahigit isang buwan.

Ang mga armadong suspek ay nagpakilalang noon bilang mga tauhan ng nagpakilalang sultan ng Sulu na si Jamalul Kiram.

Facebook Comments