PINAGTANGGOL | Mariel Rodriguez, nagsalita na sa pamba-bash ng mga netizen kay Robin Padilla

Manila, Philippines – Hindi na nakapagpigil ang ex-TV host na si Mariel Rodriguez matapos na madawit ang anak nila sa pamba-bash ng mga netizen sa asawa niyang si Robin Padilla.

Sa isang reality talent show, matatandaang isang koreanong contestant ang nasermunan ni Robin dahil sa pag-i-ingles na ikinagalit naman ng mga netizen dahil sa anila’y pamamahiya ng aktor sa binata.

Sabi ng isang netizen, kung talagang makabayan si Robin, bakit raw sa Amerika isinilang ang anak nilang si Maria Isabella bagay na ikinataas ng kilay ni Mariel.


Say ni Mariel, okay lang na maglabas sila ng opinyon pero ‘below the belt’ kung idadamay pati ang kanilang anak.

Dinepensahan din niya si Robin at sinabing nagpapakatotoo lang sa sarili ang kanyang asawa.

Habang bina-bash daw nila si Robin, abala ang kanyang asawa sa pagtulong ng panunumbalik ng sigla sa Marawi dahil ganon niya kamahal ang Pilipinas.

Facebook Comments