Sabay-sabay na pamamahagi ng cash assistance sa mga evacuees sa Albay, patuloy pang isinasagawa ng DSWD

Patuloy ang pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng tulong pinansyal sa mga nagsilikas na pamilya sa lalawigan ng Albay dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Abot na sa ₱10-M financial assistance ang naibigay na.

Ayon sa DSWD sabayan ang pamamahagi ng pinansiyal na tulong ng field office 5 sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).


Mula noong Sabado, nadagdagan pa ng 1,512 pamilyang evacuees ang nakatanggap ng ₱5,000 cash assistance mula sa ahensya.

Nagmula pa ang mga ito mga bayan ng Malilipot, Tabaco, Guinobatan, Camalig at Daraga.

Karamihan sa mga benepisyaryo ay mula sa sektor ng manggagawa, Persons with Disability
(PWDs), magsasaka, senior citizens, mga buntis at solo parents.

Facebook Comments