Upang mabigyan ng karagdagang proteksyon ang mamamayan kontra sa COVID-19, dinala na ang booster shots sa iba’t ibang palengke sa Metro Manila.
Sa kaunaunahang pagkakataon makakatanggap ng booster shot ang ilang tindero at tindera sa palengke maging ang mga namimili.
Pinapayagan ang walk-in kaya’t umaapela ang The Department of Health-Metro Manila Center for Health Development na samantalahin ang libreng bakuna at makakatanggap pa regalo.
Dito sa Commonwealth Market QC, bibigyan pa ng 5 kilong bigas ang pagbabakuna ng COVID-19 1st boosters.
Kabilang sa nauna sa pila ay si Melani Juan na tatanggap ng booster vaccine na Pfizer.
Bukod sa Commonwealth Market, may kasabay rin na bakunahan sa 14 na palengke sa Metro Manila tulad ng sa Caloocan Langaray Market, Malinta Market sa Valenzuela, Acasia Public Market sa Malabon, Agora Market at Pabahay Market sa Navotas, meron din sa lunsod ng Maynila, Marikina, Pasig, Makati Muntinlupa at Taguig.
Binigyang diin ng ilang nakausap natin na taga-DOH na face-to-face noon pa ang transaksyon sa palengke at marami ang tao kaya’t dapat sila ay protektado.
Aabot sa 500 bakuna na Pfizer ang inilaan ngayong araw dito sa Commonwealth Market na nagsimula alas-10 ng umaga at tatangal hanggang alas-3 ng hapon.