PBBM, kumpyansang makapag-uuwi ng karangalan sa bansa ang Gilas Pilipinas sa susunod nilang mga laban; Cabinet meeting nagpapatuloy

56

Tiwala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa kakayahan ng Gilas Pilipinas para manalo ang mga susunod nilang laban.

Ito ang sinabi ng pangulo sa kaniyang official social media account ngayong umaga.

Sinabi ng Pangulong Marcos Jr., na umaasa siyang gagawin ng Gilas Pilipinas ang lahat ng kanilang makakaya para makapagdala ng karangalan sa bansa.


Kagabi ay personal na nanood ang pangulo ng laro ng Gilas Pilipinas laban sa koponan ng Kingdom of Saudi Arabia sa ginanap na FIBA World Cup Asian Qualifiers Game.

Ito ang kauna-unahang physical appearance ng pangulo sa sports event sa bansa bilang punong ehekutibo.

Samantala, nagpapatuloy ngayon ang Cabinet meeting na pinangungunahan ni Pangulong Marcos sa Malacañang.



Inaasahan naman na ilalahad ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang ilang usaping tinalakay sa cabinet meeting.

Facebook Comments