Hinikayat ng lokal na pamahalaan ng Asingan ang mga magsasaka na isagawa ang sabayang pagtatanim bilang hakbang upang mas epektibong makontrol ang mga peste at mapabuti ang ani sa bayan.
Ang panawagan ay inihayag ng alkalde ng bayan sa isinagawang pamamahagi ng inorganic fertilizer sa Municipal Agricultural Office kahapon, Enero 12, 2026.
Ayon sa alkalde, ang sabay-sabay na pagtatanim sa magkakatabing sakahan ay nakatutulong upang maputol ang life cycle ng mga peste tulad ng black bug, kaya mas madaling mapigilan ang pagdami nito.
Dagdag pa niya, mas nagiging episyente rin ang paggamit ng pataba at iba pang agricultural inputs kapag sabay ang pagtatanim, gayundin ang mas maayos na pamamahala ng mga pananim.
Layunin ng hakbang na ito na magkaroon ng mas maayos, produktibo, at matatag na panahon ng pagtatanim para sa mga magsasaka sa Asingan.










